Friday, May 29, 2009

am I inlove or what? the heck! hindi ko na alam. hahaha. hmmmm. remember the guy whom i call "manok"? siya, siya nga. siya ang salarin. hahaha. i can't believe it. grabe..... after 5 months (i guess), eto na naman ako. inlove na naman. hahaha. and sana tama na nga 'to. (wait, bakit ko ba hinihiling na sana tama na nga?) hahaha. naloloka na ko.
this guy kasi, hindi ko naman ineexpect na magkakagusto ako sa kanya. ehh hindi nga siya pasado sa "requirements" ko. he's not even my "boyfriend material". hahaha. wait, bago pa kayo mag-isip ng kung ano-ano, i'm telling you right now, HE'S NOT MY BOYFRIEND. he's just my suitor. i just wanna clear things. nililigawan niya ko kahit na alam niyang hindi ko naman siya sasagutin kasi first, hindi nga siya ang boyfriend material. second, gusto ko pag nagkaka-boyfriend, serious relationship. ehh parang di naman ganun yung gusto niya. and third, magkalayo kami. he's in Molino and i'm in Cavite city. hanep. pero inlove na talaga ako sa kanya. ewan ko nga kung bakit. hindi siya yung guy na pinapangarap ko. hahaha. isa na doon yung pagiging chickboy niya. yes chickboy siya, eventhough tinatanggi niya sakin yun, chickboy talaga siya. hahaha. SOBRANG dami ang nagkakagusto sa kanya (hindi ko siya masisisi kasi gwapo naman talaga siya). and isa pa, he's not that serious (i guess). pero may mali. meron talaga. pero i don't think na mali ba talaga yun.
ang "friendship" naming dalawa ay kakaiba. parang hindi nga kami friends ehh. we were like more-than-friends. haha. yes ganun na nga. eventhough hindi pa kami, we act like we're a couple. lagi niya sinasabi sakin na wag ko raw siya ipapagpalit kahit kanino. ehh bakit? hindi naman kami di ba. pero yun na nga, parang kami na kung mag-act kami. he tells me "i-love-you's" and he really cares for me alot. kahit ako hindi ko aakalaing magkakagusto ako sa ganung lalaki. maybe because iba lang talaga siya sa past loves ko. ngayon lang ako nagkaron ng ganitong experience sa love. hayyy..
may isa talaga siyang attitude na nagustuhan ko sa kanya. and maybe it is the reason kung bakit ako na-inlove sa kanya. yun yung pagiging sweet niya in an unusual way. bakit unusual? ganito siya manglambing. he will start calling me "baliw", "ewan ko sayo", "epal ka eh no", "ay pilosopo siya" and after niya ko sabihan ng ganun, he will simply whisper "i love you" at dahil sa whisper lang yun, magtatanong ako ng "ha? ano". edi uulitin niya ulit. hanggang sabihin niyang "ehh ako, love mo ba ko?". hahahahha. ang sweet sweet niya talaga. sobraaaa. yun nga lang, sana hindi siya ganun sa iba. lagi ko nga sinasabi sa kanya "marami ka namang love ehh". then he will reply "hindi nu". ehh yun lalaking yun, marami talagang crush. haha, ang landi no. daig pa ko. haha. sasabihan ko siyang "sus, dami ka namang gusto ehh" tapos naalala ko, sabi niya sakin "inaamin ko, marami akong crush, pero ikaw lang love ko." weeeee. hahaha. medyo naniniwala na nga ako sa kanya kasi sabi rin ng ate niya nung nakatext ko siya one time, hindi naman daw ako pagtyatyagaan ng kapatid niya kung hindi ako gusto nun. and kung di daw ako gusto nun, hindi na ko pinansin nun. hehehe. tsaka nung isang araw, magka-usap kami sa cellphone. naka-Unyt siya. ayun, magdamag kaming magka-usap. madaling araw pa yun. from 12mn-6am. napa-isip nga ako, kung di ako gusto nun, bakit pa siya magpupuyat para lang maka-usap ako, di ba? haha. hanep talaga. as of now, i can't understand our situation at ayaw ko pa munang seryosohin eventhough seryoso na nga ako sa kanya. haha. kasi malapit na ring matapos itong "fairytale" na 'to. malapit na ang pasukan. and as what i have said, chickboy siya. maaari siyang makakilala ng bagong girl. i don't know pero, natatakot akong mangyari yun. hayyy. super masasaktan talaga ako pag nangyari yun kaya as of now, ayoko pa talaga seryosohin 'to. hmmmm.

[11:49]
posted @11:09 PM