Friday, May 29, 2009
am I inlove or what? the heck! hindi ko na alam. hahaha. hmmmm. remember the guy whom i call "manok"? siya, siya nga. siya ang salarin. hahaha. i can't believe it. grabe..... after 5 months (i guess), eto na naman ako. inlove na naman. hahaha. and sana tama na nga 'to. (wait, bakit ko ba hinihiling na sana tama na nga?) hahaha. naloloka na ko.
this guy kasi, hindi ko naman ineexpect na magkakagusto ako sa kanya. ehh hindi nga siya pasado sa "requirements" ko. he's not even my "boyfriend material". hahaha. wait, bago pa kayo mag-isip ng kung ano-ano, i'm telling you right now, HE'S NOT MY BOYFRIEND. he's just my suitor. i just wanna clear things. nililigawan niya ko kahit na alam niyang hindi ko naman siya sasagutin kasi first, hindi nga siya ang boyfriend material. second, gusto ko pag nagkaka-boyfriend, serious relationship. ehh parang di naman ganun yung gusto niya. and third, magkalayo kami. he's in Molino and i'm in Cavite city. hanep. pero inlove na talaga ako sa kanya. ewan ko nga kung bakit. hindi siya yung guy na pinapangarap ko. hahaha. isa na doon yung pagiging chickboy niya. yes chickboy siya, eventhough tinatanggi niya sakin yun, chickboy talaga siya. hahaha. SOBRANG dami ang nagkakagusto sa kanya (hindi ko siya masisisi kasi gwapo naman talaga siya). and isa pa, he's not that serious (i guess). pero may mali. meron talaga. pero i don't think na mali ba talaga yun.
ang "friendship" naming dalawa ay kakaiba. parang hindi nga kami friends ehh. we were like more-than-friends. haha. yes ganun na nga. eventhough hindi pa kami, we act like we're a couple. lagi niya sinasabi sakin na wag ko raw siya ipapagpalit kahit kanino. ehh bakit? hindi naman kami di ba. pero yun na nga, parang kami na kung mag-act kami. he tells me "i-love-you's" and he really cares for me alot. kahit ako hindi ko aakalaing magkakagusto ako sa ganung lalaki. maybe because iba lang talaga siya sa past loves ko. ngayon lang ako nagkaron ng ganitong experience sa love. hayyy..
may isa talaga siyang attitude na nagustuhan ko sa kanya. and maybe it is the reason kung bakit ako na-inlove sa kanya. yun yung pagiging sweet niya in an unusual way. bakit unusual? ganito siya manglambing. he will start calling me "baliw", "ewan ko sayo", "epal ka eh no", "ay pilosopo siya" and after niya ko sabihan ng ganun, he will simply whisper "i love you" at dahil sa whisper lang yun, magtatanong ako ng "ha? ano". edi uulitin niya ulit. hanggang sabihin niyang "ehh ako, love mo ba ko?". hahahahha. ang sweet sweet niya talaga. sobraaaa. yun nga lang, sana hindi siya ganun sa iba. lagi ko nga sinasabi sa kanya "marami ka namang love ehh". then he will reply "hindi nu". ehh yun lalaking yun, marami talagang crush. haha, ang landi no. daig pa ko. haha. sasabihan ko siyang "sus, dami ka namang gusto ehh" tapos naalala ko, sabi niya sakin "inaamin ko, marami akong crush, pero ikaw lang love ko." weeeee. hahaha. medyo naniniwala na nga ako sa kanya kasi sabi rin ng ate niya nung nakatext ko siya one time, hindi naman daw ako pagtyatyagaan ng kapatid niya kung hindi ako gusto nun. and kung di daw ako gusto nun, hindi na ko pinansin nun. hehehe. tsaka nung isang araw, magka-usap kami sa cellphone. naka-Unyt siya. ayun, magdamag kaming magka-usap. madaling araw pa yun. from 12mn-6am. napa-isip nga ako, kung di ako gusto nun, bakit pa siya magpupuyat para lang maka-usap ako, di ba? haha. hanep talaga. as of now, i can't understand our situation at ayaw ko pa munang seryosohin eventhough seryoso na nga ako sa kanya. haha. kasi malapit na ring matapos itong "fairytale" na 'to. malapit na ang pasukan. and as what i have said, chickboy siya. maaari siyang makakilala ng bagong girl. i don't know pero, natatakot akong mangyari yun. hayyy. super masasaktan talaga ako pag nangyari yun kaya as of now, ayoko pa talaga seryosohin 'to. hmmmm.
[11:49]
posted @11:09 PM
Saturday, May 16, 2009
(it's May14-16 not 15-16. hehe.)
just got home from our Stake Youth Conference sa Cavite State University sa Indang. haha. sobrang saya ko. kahit na super sakit na ng katawan ko ngayon. worth it naman lahat ng sakit at paghihirap nung araw na yun. dami ko natutunan and nagkaron pa ko ng bagong friends. :D
ang nasa isip ko dati bago mag Youth Con., boring siya kasi Cavite Stake lang ang kasama di tulad dati na kasama pa ang Naic, Dasmariñas, at San Gabriel. kahit ganun pa man ang ineexpect ko mangyari, nabago yun. SOBRANG SAYA.
there are 10 tribes doon na magsisilbing group namin which are Gad, Levi, Reuben, Simeon, Isachar, Asher, Dan, Zevulon, Naptali, and Benjamin. i'm with the tribe of Simeon na maraming members na di ko kilala but I am with my very clost friend, Trixie, kaya hindi ako masyadong na-OP. XD haha.
ikukwento ko na lang sa inyo ang ilan sa mga nangyari sa buong three-day Stake Youth Conference from day 1 to day 3. :) (medyo detailed)
Day 1: May 14, 2009
our arrival time sa CSU, Indang is 9:00 am and nakapunta kami dun ng around 8:30am. nagregister muna kami and after nun pumunta na kami sa room namin (na sobrang init dahil wala kaming electric fan. T-T) haha. tapos nun pumunta na kami ng gym para sa Opening Ceremonies. dun na rin pinagsama-sama yung mga magkaka-tribe. nung 12:00 noon na, kumain na kami. nagprepare na rin kami para sa Group dynamics na magaganap after ng lunch. nung group dynamics na, doon ko lang nakausap yung mga ka-tribe ko. una naming ginawa ay gumawa ng flag na magsisimbolize ng tribe namin. doon din ilalagay yung star kung sakaling manalo kami. hmmm. buong time na yun, may hinahanap ako. hehe. si "manok". :) manok siya kasi mukhang siyang manok dahil sa buhok niya. :"> i'll tell you later kung sino siya. XD back in our schedule, naglaban laban na ang mga tribe. parang Olympics. nagtakbuhan kami sa oval ng CSU nun nang magkakasama. dalawang tribe yung nakalaban namin. and i think pangalawa yata kami. haha. nag Tag of War din kami. kalaban namin ang Reuben na maraming members na malalaki ang katawan at karamihan ay mga lalaki samantalang kami, karamihan girls tapos maliliit pa yung katawan. haha. as usual, talo kami. haha. pagkatapos ng "olympics" kumain na kami ng dinner and nagprepare na rin para sa dance social namin na ang theme ay Polynacian. unahan talaga kami sa banyo pag naliligo. and sinuswerte talaga ako dahil tuwing magshoshower ako, dalawa pa lang kami sa banyo ni Trixie and solong-solo namin yun. haha. tapos namin magshower nagprepare na kami para sa dance social. kung di mo alam yung dance social, yun ay isang "party" na sayawan. boys can dance with the girl/s they want. pwede ring girls ang pumili ng kasayawan nila. LOL. haha. pagpunta namin sa hall, sobrang kabado ako. first, dahil sa ipeperform naming Hawaiian dance na kahit kelan ay di ko pa nasasayaw sa buong buhay ko kundi nung gabi lang na yun. and second, ako ang opening prayer. haha. may third pa pala, yun ay dahil sa makikita ako ni "manok" na sumayaw ng Hawaiian dance. eww. haha. XD natanggal yung kaba ko nung natapos na namin iperform yung dance namin. ang gaganda rin ng sayaw nung ibang ward. may sumayaw pa nga ng Jai Ho ehh. ahehe. after nun, sayawan na. first dance ko nung gabing yun ay si "manok" na napakakulit. kung anu-ano pinagsasabi habang nagsasayaw kami. and after three songs niya pa ko pinaupo. sabi pa niya "upo ka muna. babalikan kita." :"> :"> :"> haha! after niya, sinayaw naman ako ni kevin. *ahem* pagkaupo ko, binalikan na ko ni "manok". haha. after three songs na naman bago niya ko pinaupo. after niya si von naman nakasayaw ko na kapatid ni kevin. *ahem* ulit. haha. tapos niya, naubos lahat ng natitirang songs ng kasayaw ko si "manok". haha. kilig naman si ako. bwahaha. XD tapos nun, bumalik na kami sa room namin and nag-ayos na. tapos natulog na kami. natulog ako ng may ngiti sa mukha. *naks* haha.
Day 2: May 15, 2009ang aga namin nagising. we woke up 4:00 am because we have to be ready by 5:00 am for our morning exercises sa oval. nag warm-up kami and tumakbo rin ng isang beses sa oval. after nun, nag scripture study kami with our tribe. ang scripture reference namin ay:
"Let no man despise thy youth but be an example of the believers, in word, in conversation, in charity, in spirit, in faith, in purity."
yan din yung theme this year. after ng scripture study, nag-breakfast na kami at pagkatapos pumunta na ulit kami ng gym para sa workshops. meron doong sewing, plumbing, carpentry, grooming, and peeling. mas marami akong natutunan sa carpentry. inosente kasi ako. wahehehe. dumiretso na rin kami sa pool para sa first aid something pag may nalulunod. habang papunta sa pool, nakasabay ko maglakad si "manok". as usual, puro kalokohan na naman yung pinagsasabi. haha. pagdating namin sa pool, tinuruan kami kung panu sumagip ng nalulunod. marami rin nagvolunteer kung paano gawin ehh kahit di sila prepared. may ibang nagvolunteer na nakapantalon pa. haha. pagkatapos ng workshop na yun, nagswimming na lahat ng may gusto. hindi ako kasama kasi naka-jogging pants lang ako. hehe. tapos nun unahan na naman sa banyo maligo. swerte ulit ako dahil yung naliligo ako, karamihan ay nasa canteen para maglunch. haha. around 2:00 pm nagstart na yung scripture mastery. contest yun. magsasabi sila ng mga situation then magsasabi ka ng scripture verse/s na babagay doon sa situation. kelangan mo muna hanapin sa Bible bago sumagot. isa lang nasagot ko. yung Romans 1:16 hirap kasi. ang gagaling nung ibang tribe. haha. may halo rin yung games. sayang nga ehh kasi di kami nanalo. hehe. tapos nun nagpractice na kami para sa spectacular. binigyan kami ng 2hrs para gumawa ng isang short play na tutugma sa theme namin. yun nga ay yung 1 timothy 4:12. kulang na kulang kami sa practice nun and wala pa kaming facilitator kaya pagdating ng 7:00 pm, di namin alam kung pano gagawin namin. nakakahiya, kasi yung ibang tribe kahit na 2hrs lang yung binigay, SOBRANG GALING nila. kaya ayun, tatlo sa kanila yung nanalo. galing nga ehh. tapos nun bumalik na kami sa room namin para matulog. bago kami natulog, pumatay pa kami ng salagubang at ng paru-paro na pumasok sa room namin. haha. yung araw nga pala na yun, feel namin ni Trixie may stalker kami. pero alam ko siya talaga yung iniistalk nun. kuhanan ba naman siya ng stolen pictureS. haha. pero cute siya ahh. haha. XD
Day 3: May 16, 2009
last day na namin. karamihan samin malungkot. hehe. nag morning exercise muna kami and kalapit pa namin yung stalker ni Trixie. weird nga ehh. hehe. tapos nag breakfast na kami at nagprepare na para sa testimony meeting. nagbigay ang lahat samin ng testimony about sa nangyari buong tatlong araw. by tribe yun kaya hindi ako gaanong nahiya nung nagbigay ako ng testimony. dami nag-iyakan kasi nakakatouch yung mga binigay na testimony nung iba. sabi rin namin "kahit na wala tayong nakuhang stars, masaya pa rin tayo. walang sisihang nangyari. at hindi lang naman sa stars masasabi na panalo tayo. lahat tayo panalo." :) dami talaga napa-iyak nun. dami kasi samin ang nalungkot kasi la kami star. isa na ko dun. hehe. after nun, nagdevotional na kami then nagclosing ceremonies na. nandun ulit yung stalker ni Trixie. kumukuha ng pictureS kahit na halatang halata na namin. haha. tapos nun naglunch na kami and nagpaalam na rin kami sa mga friends namin. nagpaalam na rin ako kay "manok". habang magkasabay kami maglakad, sabi niya: "la ka ba talagang pic dyan? (tinuro niya ID ko)". la ako pic nun ehh. sabi ko: "wala ehh. sayo na lang." gets niyo yung sinabi ko? haha. kasi siya tatlo yung pic na nakalagay sa ID niya. isang nakadikit and dalawang nakalagay lang dun. tapos nun, binigay niya sakin yung isa niyang pic. sabay ngiti. nung pumunta na siya sa bus nila, sumigaw ako "bye manok!" tapos sabi niya "bye!" :"> hahaha. tapos nun lumapit naman sakin si william. nag-usap kami kasi di ko siya gaanong nakausap. haba na nga ng buhok niya ehh. tapos ayun, umuwi na kami. grabeeeeeeeeee, sobrang bitin ako. haha.
every year, nagkakaron ng Youth Conference ang church namin. kaya ayun, one year na naman yung hihintayin ko bago ulit maulit yun. :( sobrang saya talaga. dami ko natutunan. enjoy pa.
about nga pala dun kay "manok", nasabi ko na rin yung tungkol sa kanya dati dito ehh. yung conversation namin sa chat. hehe. iba siya sa mga guys na nagustuhan ko. XD ang hilig niya ko awayin pero joke joke lang. pagkatapos ako awayin, lalambingin ako. nakakatuwa. haha. yun nga lang, di ako dapat maging ganun ka-happy kasi kahit sabihin niyang may gusto siya sakin, lam ko na may iba rin siyang gusto. kaya di ko muna seseryosohin. mahirap na. :)
here are some of our pictures. :)
(CSU oval. that is so wide.)
(flag making)
(dance social)
(our dance presentation. nasa left side ako. na-cut nga lang yung kuha sa picture kaya di ako kita. haha.)
(flag retrieval at the closing ceremonies.)
basta masaya talaga ako. alam ko kahit yung iba masaya rin. kahit na ngayon, sobrang sakit ng binti ko dahil sa kakalakad at kakatakbo, worth it naman. dahil alam naming lahat na iisa lang ang sentro ng activity na ito, at yun ay Siya. our Savior, Jesus Christ. :D
bye guys. thanks for reading. tcGb. :)
[10:09]
posted @8:07 PM
Monday, May 11, 2009
i am so much excited for our Stake Youth Conference. :) that will be on May 14-16. for those who have no idea what a Stake Youth Conference or SYC is, it is a program of our Church which is The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (kinda long, eh) for the youths, like me. siguro maicocompare ko siya sa isang youth camp pero ang pinagkaiba lang ehh, you're not going to sleep in tents, have bonfire, or whatever. it is a three-day program where you can meet new friends pero member din siya ng church. there are so many activities there which can help you gain your faith in God. there you can also enhance your talents and self-esteem. tinuturo rin dun ang iba't ibang mga things na makakatulong sayo in your everyday life. meron rin doong stage play or road show which we call "Spectacular" na nagpapakita ng lessons for the viewers. madalas na pinapalabas doon ay story sa Bible. the next night naman, meron namang party/dance social. our theme for this year is Polynacian so we have to dress like Polynecians but still following the standards. on that dance social, we get to dance with others (opposite sex) and know them by talking.
there are so much activities in our church that can help us youths and isa na dun itong upcoming SYC namin. i am so much excited dahil magkakaron na naman ako ng bagong friends and makikita ko na ulit mga old friends ko from other places. and i know may bago na naman ako matututunan. :] ok, so much for that. i'll tell you na lang guys what will going to happen on our SYC on my next post. :D take care guys!
[11:42]
posted @12:21 AM
Friday, May 8, 2009
hachoo! ugh....
bwisit na sipon to. kasalanan to ni Emong ehh (name nung bagyo). dahil sa bagyong yan, sobrang init ko kahapon. it's been a year na yata since last na nagkaron ako ng sakit. nung isang araw kasi, nabasa ako ng ulan. then, kinabukasan, i have to go sa church para mag-practice ng sayaw namin na ipeperform namin sa Stake Youth Conference sa May 14-16. nung papunta kami ng kapatid ko sa church kasama si Jonelle, inabutan kami ng ulan. tapos sarado pa yung church kaya we have to wait sa labas. kahit may silungan na kami, nababasa pa rin kami. ayun tuloy, pagkabukas ng church, pumasok na kami kaagad, then habang nagppractice ng sayaw, nafeefeel ko na ang init ko na. nung pag-uwi namin, humiga na kaagad ako and natulog. paggising ko sobrang init ko na. T.T grabe, feel ko pwede ng magluto ng fried egg sa ulo ko ehh. kainis yung ganung feeling. tpos sinisipon pa ko. errrr. ayun, buong hapon nakahiga lang ako tapos paputol-putol yung tulog. pag-uwi ng mama ko, bumili siya ng gamot. thanks sa Biogesic, kahit papano nabawasan yung init ng katawan ko. haha. ngayon, sipon na lang meron ako. sana bukas wala na. :D haha. sige yun lang.
take care guys. :]
[8:46]
posted @8:28 PM