Thursday, April 9, 2009
hahaha. may bago akong friend. i met him last last week pa. actually matagal ko nang naririnig name niya kay bryan (childhood friend ko). lagi ko rin siyang nakikitang kasama ni bryan everytime magkikita kami.
dati, tuwing napunta sila dito sa computer shop namin, tahimik siya. hindi ko siya kinakausap dahil sa hindi pa naman kami close. then one time, nagcomment sakin sa friendster. nagtatanong kung pwede kami maging friend. edi pumayag ako. then after nung magcomment siya, tuwing magkikita kami lagi ko na siya nginingitian. :D he's nice. really. di siya tulad ng iba kong naging friend na boys na matagal pa bago ko naging kaclose dahil sa
mhiyain. siya kasi hindi.
well, ngayong araw, i mean ngayong gabi, nagcomputer siya dito. pero hindi niya kasama sila bryan. nakaupo rin ako sa isang computer dito kasi may gumagamit nung server namin. isang pc lang ang pagitan naming dalawa. tapos bigla siyang nagsalita, "friend!". edi napatingin ako. sabay nagtanong siya, "may YM ka ba?". hindi ako makasagot kaagad kasi katabi ko rin si kuya (baka kasi kung ano isipin nun). sumagot naman ako. sabi ko "oo meron. i-me-message ko na lang sayo sa friendster. after awhile, may bago ng nag-add sakin sa YM. siya nga. hahaha. nakakatawa siyang kachat kasi ang kulit. natawa nga ng walang dahilan ehh. medyo gumulo lang yung pagchachat namin nung may lumapit sa kanyang dalawang bata at kinukulit siya. hahaha. sabi pa nga, "kuya ***, sino yang Pamela? girlfriend mo no!" hahaha. kunwari na lang na wala akong naririnig nun. wahehehe.
sana magtuloy-tuloy pa yung pagkakaibigan namin. di tulad ng mga "mabilisan" kong naging friends na boys dati, nung simula ko lang naging close tapos ngayon halos wala na kaming communication. bihira na lang yung kumukumusta sakin. hmmm. hahaha. nakakatuwa talaga. ^^
[9:55]
posted @10:38 PM