Tuesday, April 14, 2009
ugh. i think my whole high school life was already ruined. nababadtrip na talaga ako. hmmm. isa sa pinangarap ko bago ako maghigh school ay magkaroon ng maayos na section kasama ang mga classmates na ok. na hindi KJ, hindi super grade conscious. errrr. yah know why i'm telling these things? ugh..
bigayan ng report cards namin kanina. and guess what? pang first na ko sa room namin. well, surprise, surprise. nagulat talaga ako nun kasi i'm NOT really expecting na magiging first ako. past grading periods kasi, nakakapasok ako sa top ten. tapos nung third grading pang second ako. pagdating ng last grading, hindi na talaga ako nag-aaral sa mga tests. kahit group projects di ko na iniintindi (maliban dun sa newspaper namin). ayoko kasi maging first. you know why? kasi malaki ang posibilidad na mapunta ako sa first section kung sakaling mangyari yon. at AKOYO DOON!! T.T wala pang assurance na doon nga ko pero almost 90% ang possibility na doon nga ko. haaaay. baliktad ako no? imbes na matuwa ako kasi first ako at mapupunta ako sa first section, naiinis pa ko. well, ibahin niyo ko.
nasanay na ko for three consecutive years na masasayang classmates ang kasama ko--hindi KJ, may mga kalokohan, lagi pinapagalitan ng teacher, at hindi mga grade conscious. ayokong magbago yun lalo na't fourth year na ko this coming school year. last year ko na yun tapos ganun pa magiging last classmates ko. since then talaga, di ko na gaanong gusto yung
iba sa first section. parang pagnagsama kami sa iisang room, magkakaron ng gyera. haaaay. matagal ko na rin naman sinabi sa mama ko na kung sakali mapunta ako sa first section, ipalipat niya ko. sabi niya na huli na lang daw kami mag-eenroll para hindi isama yung name ko doon sa first section. siguro kaya malakas ang loob ni mama sabihin yun kasi alam niyang hindi naman ako makakasama sa first section. pero kanina nung sinabi ko sa kanya yung "good news" ko, super tuwa niya. pero ako...nakasimangot. sabi ko na ipalipat ako, ayaw. nagalit pa. sabi mabuti nga makakapsok ako dun. sabi ni mama pagbutihin ko daw para makapasok ako sa top10 para daw pagdating ng pagkuha ko ng test sa college, makapasa ako sa school sa Manila (na gusto ko talaga). ehh ASA naman ako! hindi naman ako ganun kaGC para makapasok sa top10. hello?! errr. marami pang malulungkot (para sakin) na pwedeng mangyari pag doon ako sa first section mapunta. isa na dun yung pagiging seryoso ko na TALAGA, wala ng kalokohan, and isa na ko sa mga "mabababa" sa section na yun. tapos pag retreat sila kasama ko. haaaay. kahit na may mga friends rin naman ako sa section na yun, mas marami pa rin yung hindi ko makakasundo. mas gusto ko talag yung mga classmates ko na maging classmates ko pa rin sa fourth year. :(
as of now, i'm still hoping na di matupad kung anu man yung inaalala ko. pero sa tingin ko madidisappoint parents ko kung malaman nila na di na ko sa first section. basta, i'm still hoping
*crossed fingers*. ayoko masira buong high school life ko dahil dun. inaasahan ko pa rin na maraming tataas sa first section at hindi na nila kailangan ng bagong classmates. and kung sakaling doon na
talaga ako, i'm hoping na kasama ko rin na lilipat dun yung two kong classmates na pang second and third sa ranking namin sa room. haaaay. :'(
[12:26]
posted @11:47 PM