Wednesday, April 8, 2009
nung monday, april 6, nagswimming kaming buong pamilya. actually, hindi pala buong pamilya kasi di nakapunta si kuya. for some reasons, i really don't know why. well, sanay na rin kami sa kanya na ganun. na hindi namin siya nakakasama sa karamihan ng pinupuntahan namin. anyways, natuloy rin yung outing na binabalak namin. celebration talaga yun ng birthday both nila mama and kapatid ko nung april 3 and kasama na rin yung birthday ng twin bros ko nung march 18.
ang venue namin ay doon sa dati naming house sa ronquillo, here in Cavite city rin, na ginawang private pool ng tiya ng mama ko. ayos naman yung lugar. di siya gaanong malaki kasi private pool lang naman yun. almost 3:30pm na kami nakapunta doon. kaming five munang magkakapatid ang nauna at sumunod na lang sila mama after nila matapos ayusin yung mga food na niluto. nandoon din yung friend nila mama kasama yung dalawa niyang anak na matagal na naing di nakikita. yung dalawang anak ng friend ng mama ko ay dati na naming kalaro. actually, yung isa lang kasi yung isa malaki na siya. nakakatuwa kasi kahit ang tagal-tagal na naming di nagkikita ehh ganun pa rin sila. close pa rin kami sa isa't isa. yung nasa pool pa nga kami naglalaro rin kami ng kung ano-ano. parang nagflash back yung dati. kasi ganun din kami dati nung mga bata pa kami. naglalaro pa nga kami ng Bratz ehh. hahaha. XD nalaman ko na matanda ako sa kanya ng 2years and yung kapatid ko naman ay matanda sa kanya ng 1year. hehehe.
pumunta rin doon yung iba naming friends sa church. marami kaming food na hinanda kaya nabusog naman. nakakatawa nga yung mga friends nila mama na babae ehh. nag-iinuman kasi sila (not included si mama) tapos sayaw ng sayaw and kanta ng kanta sa karaoke. tapos yung mga kanta ehh pang mga 80s pa yata. hahaha. niloloko nga nila si papa ehh kasi si papa hindi nainom, sinasabi na kung sino pa ang lalaki siya pa yung parang
"matino". hahaha. yun rin ang kinagusto ko sa parents ko. hindi sila nainom and alam ko dahil gusto nila mag set ng good examples saming magkakapatid. hehehe.
super saya talaga ng araw na yun (kahit kulang kami). inabot na kami ng 10:30pm dun. parang ngaun lang ulit naulit yung ganun sa family namin. kasi dati nag-o-outing din kami sa iba't ibang lugar pero ngayong malalaki na kami and mas malaki na rin ang gastos, di na kami gaanong nalabas, kahit sa SM lang. hehehe. pero masaya naman ako na kahit di na kami tulad ng dati, sama-sama pa rin kami. masaya pa kami. hehehe. sana maulit yung ganun. na magsama-sama ulit kaming mag-outing. an saya talaga! :DD
[8:35]
posted @8:16 PM