<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2887998204115244806\x26blogName\x3dInside+the+Imagination\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://essekerpam.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://essekerpam.blogspot.com/\x26vt\x3d4484059458692638040', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
“ They taped over your mouth,



scribbled out the truth with



their lies, you little spies.”



Wednesday, April 22, 2009

obviously, i have a new layout. or should i say, template. nakakasawa na kasi yung luma ko. hmm. boring. hehe. i think 100 times kong pinag-isipan kung papalitan ko ba kasi nasanay na ko na yung normal ang ginagamit ko. hmm, after so much thinking, i made up my decision na eto na yung gagamitin ko. sasanayin ko na lang sarili ko. hehe.

nagandahan ako dahil dun sa nakasulat sa taas. lyrics yan sa kanta ng Paramore - Crushcrushcrush. tapos nagagandahan pa ko sa background. :) simple lang siya (that's why i like it).

BTW, hindi pwedeng magcomment sa post ko dahil sa bago kong template. (don't know the problem of the designer kung bakit ganon ang ginawa niya. hehe) anyways, dun na lang kayo magcomment sa tagboard ko kung sakaling magcocomment kayo. thanks! :)



[10:12]

posted @10:07 PM

Friday, April 17, 2009

guys, i had my blog rated. hahaha! and the result (tantananan!):

OnePlusYou Quizzes and Widgets

haha, mabuti na lang. that means that my blog is suitable for all ages. no foul words were found in my blog. yea! XD



[11:25]

posted @11:21 PM

Tuesday, April 14, 2009

ugh. i think my whole high school life was already ruined. nababadtrip na talaga ako. hmmm. isa sa pinangarap ko bago ako maghigh school ay magkaroon ng maayos na section kasama ang mga classmates na ok. na hindi KJ, hindi super grade conscious. errrr. yah know why i'm telling these things? ugh..

bigayan ng report cards namin kanina. and guess what? pang first na ko sa room namin. well, surprise, surprise. nagulat talaga ako nun kasi i'm NOT really expecting na magiging first ako. past grading periods kasi, nakakapasok ako sa top ten. tapos nung third grading pang second ako. pagdating ng last grading, hindi na talaga ako nag-aaral sa mga tests. kahit group projects di ko na iniintindi (maliban dun sa newspaper namin). ayoko kasi maging first. you know why? kasi malaki ang posibilidad na mapunta ako sa first section kung sakaling mangyari yon. at AKOYO DOON!! T.T wala pang assurance na doon nga ko pero almost 90% ang possibility na doon nga ko. haaaay. baliktad ako no? imbes na matuwa ako kasi first ako at mapupunta ako sa first section, naiinis pa ko. well, ibahin niyo ko.

nasanay na ko for three consecutive years na masasayang classmates ang kasama ko--hindi KJ, may mga kalokohan, lagi pinapagalitan ng teacher, at hindi mga grade conscious. ayokong magbago yun lalo na't fourth year na ko this coming school year. last year ko na yun tapos ganun pa magiging last classmates ko. since then talaga, di ko na gaanong gusto yung iba sa first section. parang pagnagsama kami sa iisang room, magkakaron ng gyera. haaaay. matagal ko na rin naman sinabi sa mama ko na kung sakali mapunta ako sa first section, ipalipat niya ko. sabi niya na huli na lang daw kami mag-eenroll para hindi isama yung name ko doon sa first section. siguro kaya malakas ang loob ni mama sabihin yun kasi alam niyang hindi naman ako makakasama sa first section. pero kanina nung sinabi ko sa kanya yung "good news" ko, super tuwa niya. pero ako...nakasimangot. sabi ko na ipalipat ako, ayaw. nagalit pa. sabi mabuti nga makakapsok ako dun. sabi ni mama pagbutihin ko daw para makapasok ako sa top10 para daw pagdating ng pagkuha ko ng test sa college, makapasa ako sa school sa Manila (na gusto ko talaga). ehh ASA naman ako! hindi naman ako ganun kaGC para makapasok sa top10. hello?! errr. marami pang malulungkot (para sakin) na pwedeng mangyari pag doon ako sa first section mapunta. isa na dun yung pagiging seryoso ko na TALAGA, wala ng kalokohan, and isa na ko sa mga "mabababa" sa section na yun. tapos pag retreat sila kasama ko. haaaay. kahit na may mga friends rin naman ako sa section na yun, mas marami pa rin yung hindi ko makakasundo. mas gusto ko talag yung mga classmates ko na maging classmates ko pa rin sa fourth year. :(

as of now, i'm still hoping na di matupad kung anu man yung inaalala ko. pero sa tingin ko madidisappoint parents ko kung malaman nila na di na ko sa first section. basta, i'm still hoping *crossed fingers*. ayoko masira buong high school life ko dahil dun. inaasahan ko pa rin na maraming tataas sa first section at hindi na nila kailangan ng bagong classmates. and kung sakaling doon na talaga ako, i'm hoping na kasama ko rin na lilipat dun yung two kong classmates na pang second and third sa ranking namin sa room. haaaay. :'(



[12:26]

posted @11:47 PM

Monday, April 13, 2009

i wanna share you guys this video i saw on YouTube. obviously, about sa paramore na naman. hehehe. here are some funny videos of paramore. hahaha, ang cute nila. XDD

funniest part for me, 4:25-4-48 :D



ps: Josh is so hot. Lol. 2:00-2:16



[11:46]

posted @10:56 PM

Saturday, April 11, 2009

hahahahahaha! :"> nakakatuwa tong gabing to! sobra. XD surprised na surprised ako sa mga nangyari. kanina kasi yung graduation ng seminary namin sa church. sa imus chapel ginanap. honestly, di dahil sa graduation kaya ako natutuwa. it is because.......may nagtapat sakin.....na may crush siya sakin. actually, sabi niya, crush niya pa rin ako. nagulat ako kasi di ko naman alam na may crush siya sakin dati. hahaha. natutuwa ako sa kanya. yung guy kasi na yon, taga imus siya. ngayon lang ulit kami nagkita kaya ngayon niya lang nasabi yun sakin. bago kasi mag-graduation ng seminary, matagal na niyang sinasabi sakin sa chat na may sasabihin siya sakin pagdating ng graduation. di ko alam yun pala yun. hahaha. nakakatuwa talaga. :))))

di pa dun nagtatapos ang kasiyahan ko, hahaha. pag-uwi ko kasi, nagOL kaagad ako. bigla akong pini-em ng friend ko. sabi niya kung gusto ko ba makausap yung kapatid niyang boy and friend ko rin. edi pumayag ako. ang ibig sabihin niya palang usap as in mag-usap gamit ang mike and head phone. hahaha. akala ko chat. edi ayun, nag-usap kami nung kapatid niya. eto yung iba sa pinag-usapan namin:

Siya: uy. muka ba kong babaero?
Ako: oo! hahaha.
Siya: panu mo naman nasabi?
Ako: halata sa ichura mo ehh!
Siya: hindi no.
pause
Siya: uy, bakit ang ganda mo?
Ako: ewan ko sayo. loko loko!
Siya: aw loko loko naman.
Ako: *blush*
Siya: may bf ka ba ngayon?
Ako: wala.
Siya: pwede mag-apply?
Ako: loko loko ka talaga!
Siya: ano nga? ano, pwede ba?
Ako: ewan ko sayo! hahaha.
balik siya sa tanong
Siya: muka ba kong babaero? di naman ehh.
Ako: oo nga. halata sa muka mo. hahaha.
Siya: try mo kaya. ligawan kita. para malaman mo na stick to one lang ako.
Ako: loko loko ka talaga!
Siya: oo nga. gusto mo pumunta ako jan sa bahay niyo ngayon ehh.
Ako: bahala ka. loko loko ka talaga.
Siya: alam mo...crush kita. kaya nga kita nilagay sa featured friends ko ehh.
Ako: ewan ko sayo.
Siya: ayaw pa maniwala. sige bye na. hehehe. di ako babaero ha.
Ako: oo na! hahaha.

hahahaha! kulang pa yang pinag-usapan namin. ang kulit kulit niya. sobra. dati ko na siyang friend and crush na rin. ewan ko lang kung ganun pa rin ngayon. haaaaay. nako baka mahulog na naman ako sa sweetness na yan. dyan ako napapahamak ehh. :(( hmmmm. basta masaya ko ngayong araw na to. :D un na muna iisipin ko. hahaha. XD



[10:26]

posted @9:40 PM

Thursday, April 9, 2009

hahaha. may bago akong friend. i met him last last week pa. actually matagal ko nang naririnig name niya kay bryan (childhood friend ko). lagi ko rin siyang nakikitang kasama ni bryan everytime magkikita kami.

dati, tuwing napunta sila dito sa computer shop namin, tahimik siya. hindi ko siya kinakausap dahil sa hindi pa naman kami close. then one time, nagcomment sakin sa friendster. nagtatanong kung pwede kami maging friend. edi pumayag ako. then after nung magcomment siya, tuwing magkikita kami lagi ko na siya nginingitian. :D he's nice. really. di siya tulad ng iba kong naging friend na boys na matagal pa bago ko naging kaclose dahil sa mhiyain. siya kasi hindi.

well, ngayong araw, i mean ngayong gabi, nagcomputer siya dito. pero hindi niya kasama sila bryan. nakaupo rin ako sa isang computer dito kasi may gumagamit nung server namin. isang pc lang ang pagitan naming dalawa. tapos bigla siyang nagsalita, "friend!". edi napatingin ako. sabay nagtanong siya, "may YM ka ba?". hindi ako makasagot kaagad kasi katabi ko rin si kuya (baka kasi kung ano isipin nun). sumagot naman ako. sabi ko "oo meron. i-me-message ko na lang sayo sa friendster. after awhile, may bago ng nag-add sakin sa YM. siya nga. hahaha. nakakatawa siyang kachat kasi ang kulit. natawa nga ng walang dahilan ehh. medyo gumulo lang yung pagchachat namin nung may lumapit sa kanyang dalawang bata at kinukulit siya. hahaha. sabi pa nga, "kuya ***, sino yang Pamela? girlfriend mo no!" hahaha. kunwari na lang na wala akong naririnig nun. wahehehe.

sana magtuloy-tuloy pa yung pagkakaibigan namin. di tulad ng mga "mabilisan" kong naging friends na boys dati, nung simula ko lang naging close tapos ngayon halos wala na kaming communication. bihira na lang yung kumukumusta sakin. hmmm. hahaha. nakakatuwa talaga. ^^



[9:55]

posted @10:38 PM

Wednesday, April 8, 2009

nung monday, april 6, nagswimming kaming buong pamilya. actually, hindi pala buong pamilya kasi di nakapunta si kuya. for some reasons, i really don't know why. well, sanay na rin kami sa kanya na ganun. na hindi namin siya nakakasama sa karamihan ng pinupuntahan namin. anyways, natuloy rin yung outing na binabalak namin. celebration talaga yun ng birthday both nila mama and kapatid ko nung april 3 and kasama na rin yung birthday ng twin bros ko nung march 18.

ang venue namin ay doon sa dati naming house sa ronquillo, here in Cavite city rin, na ginawang private pool ng tiya ng mama ko. ayos naman yung lugar. di siya gaanong malaki kasi private pool lang naman yun. almost 3:30pm na kami nakapunta doon. kaming five munang magkakapatid ang nauna at sumunod na lang sila mama after nila matapos ayusin yung mga food na niluto. nandoon din yung friend nila mama kasama yung dalawa niyang anak na matagal na naing di nakikita. yung dalawang anak ng friend ng mama ko ay dati na naming kalaro. actually, yung isa lang kasi yung isa malaki na siya. nakakatuwa kasi kahit ang tagal-tagal na naming di nagkikita ehh ganun pa rin sila. close pa rin kami sa isa't isa. yung nasa pool pa nga kami naglalaro rin kami ng kung ano-ano. parang nagflash back yung dati. kasi ganun din kami dati nung mga bata pa kami. naglalaro pa nga kami ng Bratz ehh. hahaha. XD nalaman ko na matanda ako sa kanya ng 2years and yung kapatid ko naman ay matanda sa kanya ng 1year. hehehe.

pumunta rin doon yung iba naming friends sa church. marami kaming food na hinanda kaya nabusog naman. nakakatawa nga yung mga friends nila mama na babae ehh. nag-iinuman kasi sila (not included si mama) tapos sayaw ng sayaw and kanta ng kanta sa karaoke. tapos yung mga kanta ehh pang mga 80s pa yata. hahaha. niloloko nga nila si papa ehh kasi si papa hindi nainom, sinasabi na kung sino pa ang lalaki siya pa yung parang "matino". hahaha. yun rin ang kinagusto ko sa parents ko. hindi sila nainom and alam ko dahil gusto nila mag set ng good examples saming magkakapatid. hehehe.

super saya talaga ng araw na yun (kahit kulang kami). inabot na kami ng 10:30pm dun. parang ngaun lang ulit naulit yung ganun sa family namin. kasi dati nag-o-outing din kami sa iba't ibang lugar pero ngayong malalaki na kami and mas malaki na rin ang gastos, di na kami gaanong nalabas, kahit sa SM lang. hehehe. pero masaya naman ako na kahit di na kami tulad ng dati, sama-sama pa rin kami. masaya pa kami. hehehe. sana maulit yung ganun. na magsama-sama ulit kaming mag-outing. an saya talaga! :DD



[8:35]

posted @8:16 PM

Saturday, April 4, 2009



whoa, these past few days gumagrabe na talaga imagination ko. hahaha. hindi lang yon, gumagrabe rin ang addiction ko sa Paramore. this summer kasi, wala akong ginawa dito sa bahay kundi tumunganga sa harap ng computer. twing tinatamad ako mag-fs, pumupunta ako sa paramore.net kung saan ang official website ng paramore. tinitignan ko doon yung pictures and videos nila. ok, before that, para doon sa mga hindi nakakaalam kung ano ang paramore, here's a quick description about them:

Paramore is an American rock band that formed in Franklin, Tennessee in 2004 consisting of Hayley Williams (lead vocals/keyboard), Josh Farro (lead guitar/backing vocals), Jeremy Davis (bass guitar), and Zac Farro (drums). The group released their debut album All We Know is Falling in 2005, and their second album Riot! in 2007, which was certified platinum in the US and gold in the UK and Ireland.

i was obsessed with them since i was 1st year. i first heard their songs on my ate's iPod. si kuya talaga naglagay ng kanta dun kaya thanks to him, adik na adik na ko ngayon sa paramore. may iba nga rin akong mga friends na dahil sakin naadik at nalaman na rin nila ang paramore.

so these past few days while surfing the net, habang nanonood ng videos nila, naisip ko na sana makita ko si Hayley Williams someday harap-harapan. kung kakailanganing magsulat sa Wish Ko Lang gagawin ko. lol. hahaha. napaisip nga ko na makikita ko lang sila ng personal kung magcoconcert sila dito. doon pa nga lang sa makita sila ng personal parang napakaimposible na, doon pa kaya sa magconcert dito sa Pilipinas. haaaay. asa pang magconcert sila dito. nakakahiya na makita ng mga idols ko ang lagay ng Pilipinas ngayon.

sana one time makita ko sila ng personal. kahit mahawakan ko lang ang red hair ni hayley ayos na! promise ko talaga na pag nalaman kong magcoconcert sila dito (kung sakali lang), pag-iipunan ko talaga makabili ng ticket. gusto ko yung doon sa harap. hahahaha. grabe talaga. nakakalokong isipin na dahil sa isang banda nagkakaganito ako. hehehe. wish ko lang talaga ngayon ang makita sila ng personal. T.T huhuhu. lolz.



[11:43]

posted @10:28 PM

Pamelalala.

Photobucket
Female, 15, Cavite

The FREAK.

the name is pamela espinosa sanarez. pam's the nick name. living my 15 years of simple life since october 21, 1993. caviteña. sebastinian. latter-day saint. proudly pinoy. friendster addict. music lover. supports OPM. a hayley williams fanatic. amateur photographer. math geek. hopeless pianist. daydreamer. green-pink-blue-yellow. couch potato. procrastinator. taong bahay. and lastly, a worst singer. ;) read my posts and know me better.

I feel so...


Now Playing.


Tagboard.



Linkies.

friendster
twitter
plurk

Bhenok
Chris Tiu
Jay
Jonelle
kateriina
kit
nadine
patryxha
tanana
tine
vanezza
william
xyra

Yesterdays.

January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
July 2009
August 2009
September 2009
October 2009


Visitors.



Credits.

Designer:Sophia
Codes:%delusion-n
Tagboard:cbox
Video:youtube
Hosting:photobucket